yanniecillo Jellian Sarboda

Becca is a woman who works at a hotel in Canada, her contract in a company already ended and planning to go back to the Philippines. When she was in Canada he met this drunk guy whom she let him sleep in her apartment, but little did she know that the man she had met is the reason she left and escaped her responsibility from her family in the Philippines and worked in Canada for how many years. This is a short story of two people who tried to escape from their past responsibility and meet in a very coincidental event but tried to fix everything that happened to them, how would they make their own story, or would they let destiny played them again?


Romance Contemporâneo Todo o público.
1
934 VISUALIZAÇÕES
Em progresso - Novo capítulo Todos os Domingos
tempo de leitura
AA Compartilhar

Chapter 1

"Ano handa ka na ba?"


"You think it will work?"


Kinakabahan niyang tanong.


"Oo naman, wala ka bang tiwala sa akin? Tsaka, diba humingi ako ng tulong sa kaibigan ko. I'm sure, this will be a success."


Nakangiti kong sagot sa kanya, bumagay din sa kanya ang suot niyang pulang sleeves, napakapormal ng suot niya at nakakatuwa siyang tingnan, halos anim na buwan na rin ang lumipas noong magkakilala kami.


Two months ago


"Teka, teka nga! Sino ka ba kasi?"


"Hindi mo na ba ako maalala? hek' ako iyong, hek' iyong lalaking minahal ka pero, hek' pinagpalit mo sa iba."


Nangangamoy alak ang hininga niya, na-corner niya ako sa pader at tanging kamay ko lang ang nakaharang para hindi siya makalapit sa akin.


"Ang kapal din ng pagmumukha mo, para sabihin ko sayo lalaki ngayon lang kita nakilala tsaka akalain mo iyon nagtatagalog ka palang animal ka pinahirapan mo pa ako mag-english."


Nasa ganoong posisyon pa rin kami, noong magsilabasan ang mga tao sa elevator at sa kasamaang palad ay may kakilala ako doon.


"Becca, is this guy bothering you? I'll call a security."


"No, no, please. We are just talking some important things-"


"Yeah, I am talking to my girl and we're-"


Sabat naman nitong kaharap ko, at bigla nalang nawalan ng malay.


"Oh, my gosh! Is he okay?"


Nag-aalalang tanong ng amerikanang kaibigan ko, sa kabilang apartment ko lang siya.


"Yeah, he maybe drunk too much that's why."


"Oh, alright. I haven't seen this man, how did you know him? Is he your friend?"


"Not really a friend, he is also from Philippines. Stacey, would you mind helping me to get him in?"


Tanong ko sa kanya, nagtaka siya noong una subalit tumulong din naman at noong makapasok na kami sa apartment ay inihiga namin siya sa couch.


"Are you sure you're gonna let him stay in here?"


"Yeah, he look like a nice man. Besides, he might need a help. I won't hesitate to help my fellow pinoy in times like this."


"I see, this not the first time it happen. But, I want you to be careful, I need to go now. Call me if something bad happened."


May point siya doon hindi ito ang unang pagkakataong may tinulungan akong lalaki, pero hindi na ata muulit ang nangyari noon, hindi na.


"Yeah, I will. Thank you, Stacey."


"You are welcome, I have to go now. Bye."


"Bye."


Lumabas na ito, kaya bigla akong napatingin sa taong mahimbing ang tulog sa couch. Kung hindi lang talaga kita kababayan hindi kita dadalhin dito sa apartment ko, at hinayaan nalang kitang mabugbog ng mga lokong iyon. Napabuntong-hininga nalang ako at pumasok sa kwarto ko, maliit lang naman itong apartment na inuupahan ko, may isang kwarto at kusina, sala at isang cr. Pumunta ako dito sa Canada para magtrabaho, hoping din na makabingwit ng isang prince charming na mala-adones ang mukha pero syempre ang mamahalin din ako ng totoo, pero sa isang taon kong pagtatrabaho dito ay mukhang malabong mangyari iyon. Matapos kong magpalit ng damit, ay lumabas ulit ako para tingnan ang taong iyon. Sa mga sinabi niya kanina ay mukha siyang problemado sa buhay pag-ibig. Bakit kaya siya nagpakalasing dahil lang sa babae? May ma-itutulong ba ang alak sa problema niya? Maglalakad na sana ako pabalik ng kwarto noong umungol ito, at parang nag-e-sleep talking.


"Please, please, don't do it. Don't leave me Meg, I beg you please. I love you and I'll fight for us."


May namuong butil ng luha sa gilid ng mga mata niya, kahit na nakapikit ang mata niya ay naramdaman ko ang sakit sa mga salita niya. Nakakaawa naman ang lalaking ito, ano kaya ang nangyari sa kanya. Pumasok na ako sa kwarto at kumuha ng kumot tsaka lumabas ulit at kinumutan siya. Bumalik na ako ng kwarto ko tsaka ni-lock ang pintuan at nahiga na at dahan-dahang ipinikit ang mga mata.


Pakagising ko kinabukasan ay sinuri ko ang sarili ko, kinapa ang buong katawan baka kasi may kulang sa buo kong pagkatao, tiningnan ko ang mga daliri ko sa paa't kamay, iyong tenga, mata, bibig at kung ano pang parte ng katawan ko.


"Maraming salamat po, at buhay pa ako ngayon ng walang labis at wala rin kulang."


Panalangin ko, at mabilis na lumabas ng kwarto. Hinanap kaagad ng mata ko ang lalaking iyon, subalit wala na siya sa pwesto niya. Tiningnan ko sa loob ng cr, wala rin siya doon. Nakatupi na ang kumot na ikinumot ko sa kanya kabagi, tsaka napansin ang isang papel sa lamesa.


Hi!


I am very sorry for what happened last night, even though I don't remember what really had happened. Still, I was thankful that there's an existing human kind like you, that will help me here even though you don't know me yet. Thank you also for letting me sleep here, I will never forget you.


P.S.


I took one of your photo frame, just a remembrance of you.


Your friend,

Jay


Bigla akong napatingin doon sa wall kung saan nakadikit ang mga picture ko, kulang iyon ng isa, iyong ako lang kasi ang ibang frame ay kasama ko ang pamilya ko.


"Akalain mo iyon matapos ko siyang tulungan ay ninakawan pa ako ng walang hiyang 'yon?"


Inis kong nilukot ang papel at ibinasura saka pumunta ng kusina kaso laking gulat ko nalang noong makakita uli doon ng isang sticky note.


I cooked this, as a peace offering, alam kong magagalit ka dahil nakiaalam ako sa gamit mo. Enjoy your breakfast!


P.S

Naka-lock kasi ang kwarto mo kaya di na ako nakapagpaalam.


Napangiti nalang ako at naupo sa mesa, ang nakahain doon ay bacon, ham, rice at itlog. Naparami ata ang luto niya ah, panigurado kumain na rin 'yon dito. Matapos kong kumain ay naligo na ako't nagbihis para pumasok ako ng maaga. Ilang days nalang pala ako dito at uuwi na rin ako ng Pilipinas, matatapos na kasi ang kontrata ko may nakuha na rin akong flight kaya ready na ang lahat pauwi. Ang natitirang problema nalang ay pagnakauwi na ako ng Pilipinas, natatakot akong harapin ang pamilya ko saan kaya ako mag-i-stay? I also don't want them to know na nakauwi na ako. Anong gagawin ko? Napahinga ako ng malalim at nagsimula ng mag-ayos ng gamit tsaka lumabas ng apartment.

18 de Abril de 2022 às 01:53 0 Denunciar Insira Seguir história
0
Continua… Novo capítulo Todos os Domingos.

Conheça o autor

Comente algo

Publique!
Nenhum comentário ainda. Seja o primeiro a dizer alguma coisa!
~