gummy-min Gummy min

in a world where dark magic are hated, how will you prove that they are wrong?


Fantasia Épico Todo o público. © All right reserve

#Wind #Earth #Water #Fire #Magic #Chaos #Fairies #Gods #
0
2.7mil VISUALIZAÇÕES
Em progresso - Novo capítulo Todas as Segundas-feiras
tempo de leitura
AA Compartilhar

Prologue

Napatingin ako sa paslit na hawak ng aking ina. Tahimik lamang itong natutulog habang karga ng aking ina. Iniwas 'ko ang aking tingin, hindi 'ko kayang titigan ito ng matagal.


Gawa lamang siya sa kasalanan. Kasalanang kahit kailan ay hindi 'ko gugustuhin maulit. Isang pagkakamali.


"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" rinig 'kong tanong ng aking ina.


Hindi 'ko ito hinarap. Nakatingin lamang ako sa labas ng aming bahay. Umuulan, marahil ay nakikisabay sa aking lungkot ang kalangitan. Marahil alam nito ang sakit na aking nararamdaman.


"Nabuo lamang siya dahil sa isang pagkakamali. Ang buong pagkatao niya ay isang pagkakamali," bakas ang galit sa aking tono.


Alam 'kong mali, ngunit sa tuwing tinitingnan 'ko ang batang iyon wala akong ibang gustong gawin kundi ang mawala siya. Hindi 'ko mapigilang magalit sa batang iyon kahit alam 'kong wala siyang kasalanan.

"Bata lamang siya, Minerva. Wala siyang kaalam-alam sa nangyari," sambit ng aking ina.

Ibinigay nito sa katulong ang batang bitbit niya. Tumingin siya sa akin ng puno ng pag-aalala. Alam 'kong kahit kailan ay hindi niya ako maiintindihan. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang sakit na nararamdaman 'ko. Ang rason kung bakit ako nagagalit sa batang iyon.

"Gusto 'ko siyang mawala sa buhay namin, Ina. Gusto ko siyang mawala sa landas namin," seryoso 'kong saad sa aking Ina.

"Bakit ka galit na galit sa batang iyon? Hindi ba't sa'yo rin naman siya nanggaling? Bakit hindi mo siya matanggap?" puno ng pagtataka ang tono ng boses ng aking ina.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi niya dapat malaman. Hangga't hindi 'ko naiaalis ang batang iyon sa landas 'ko, hindi niya dapat malaman. Walang dapat makaalam.

"Gusto 'ko ng magpahinga," pag-iiwas 'ko sa tanong ng aking ina.

Humiga ako patalikod sa kanyang pwesto at nagtalukbong ng kumot. Agad 'kong inalis ang kumot na nakatabon sa katawan 'ko ng maramdaman na ang pag-alis ni Ina. Muli akong napaupo sa aking kama. Hindi 'ko mapigilan ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata 'ko.

Punong puno na ako. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman 'ko at aaminin 'ko, hindi 'ko na alam ang dapat 'kong gawin. Hindi 'ko alam kung tama pa ba itong desisyon 'ko at ang naiisip 'ko. Puno ng galit at sakit ang puso 'ko. Hindi 'ko na alam ang tama sa mali.

"Ang alam 'ko lang, ito ang tamang gawin."


THIRD PERSON'S POV

Nang makalabas ang reyna sa silid ng kanyang anak. Agad itong pumunta sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog ang kanyang apo. Hindi nito mapigilang mapangiti ng masilayang muli ang kanyang apo. Hahawakan na sana nito ang pisngi ng sanggol ng isang katulong ang pumasok.

"Handa na po ang lahat," sambit ng katulong.

Napangiti ng mapait ng Reyna habang nakatitig sa kanyang apo. Nais man niyang masilayan ang paglaki nito ay hindi maaari. Alam niya ang tumatakbo sa isip ng kanyang anak, alam niya kung ano ang maaaring gawin nito sa bata.

At hindi niya hahayaang mangyari ang bagay na iyon.

Dahan dahan niyang kinuha ang sanggol. Muli siyang napangiti ng makitang gumalaw ito habang bitbit niya. Hindi niya mapigilang malungkot, ito na ang huling araw na makikita niya ang kanyang apo. Hindi man niya gustong gawin, ngunit ito ang nararapat.

Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at sa isang iglap napunta sila sa ibang lugar. Inilibot ng Reyna ang paningin nito sa kabuuan ng lugar. Malawak ang lupain, puno ng sakahan ang lugar. Isang maliit na simbahan ang nasa harapan nito.

Dito niya iiwan ang sanggol. Alam niyang ito ang makakabuti para sa kanyang anak at lalo na sa kanyang apo. Hindi niya ito gustong masaktan, ngunit hindi niya rin gustong masaktan ang kanyang anak. Muli siyang tumingin sa sanggol na hawak niya, ito ang huling pagkakataon na mahahawakan at masisilayan niya ang munting sanggol.

Nais niyang makita ang bata hanggang sa paglaki. Nais niyang muli silang magkita sa hinaharap at nasisigurado niyang mangyayari ang bagay na iyon. Nawa'y nasa mabuting palad siya mapunta.

"Hanggang sa muli, aking apo."

28 de Maio de 2021 às 11:10 0 Denunciar Insira Seguir história
0
Leia o próximo capítulo Chapter 1

Comente algo

Publique!
Nenhum comentário ainda. Seja o primeiro a dizer alguma coisa!
~

Você está gostando da leitura?

Ei! Ainda faltam 1 capítulos restantes nesta história.
Para continuar lendo, por favor, faça login ou cadastre-se. É grátis!

Histórias relacionadas