ladypurple Lady Purple

Ito ay binubuo ng mga kwento ayon sa imahinasyon ng manunulat. Maaaring patungkol sa love stories (romance), mystery (suspense, thriller) at slice of life. Kung nais mo makapagbasa gaya nito bilang pampalipas oras, pindutin lang ang libro at simulang basahin.


Récits de vie Tout public. © @roseandtulips31

#reality #love #struggles #shortstories #drama #crimes
1
1.1mille VUES
En cours - Nouveau chapitre Tous les 30 jours
temps de lecture
AA Partager

Cursed Love

Kasalukuyang nakaupo si Selene sa isang bakanteng upuan. Nakatulala at malalim kanyang iniisip. Inaalala ang dating samahan nila ng kanyang childhood best friend na si Raven. Noon masaya sila at parating magkasama subalit nagbago nang tumuntong na sila sa kolehiyo.


"Huy, Selene!" tawag sa kanya ni Janna na kanyang kaklase, seatmate at higit sa lahat matalik na kaibigan din niya ito. "Seleneeee!" muling tawag nito sa kanya subalit wala siyang sagot dahil nakatulala pa rin.


Hinampas ng libro ang kamay ni Selene na nakapatong sa table. "Aray ko naman!"


"Tsk, kanina pa kita tinatawag di mo ako naririnig," reklamo ni Janna sa kanya.


Umayos siya ng pagkakaupo dahil namamanhid na rin parehas niyang binti. "Pasensya na talaga. May inaalala lang kasi ako."


"Sino, si Raven nanaman?" reklamo pa ng kaibigan. "Di ba hindi ka na pinapansin ng kababata mong 'yon? Bakit habol ka pa rin sa kanya?"


"Kaya nga labis ang pagtataka ko kung bakit siya gan'on na sa'kin? Samantala naman noon halos di kami mapaghiwalay," kwento ni Selene kay Jannah.


"May mga bagay talaga na di natin kontrol, beshie. May mga pagkakataon na 'yong tao mahalaga sa'tin iiwan na lang tayo bigla," paliwanag naman sa kanya ng kaibigan na sinanguni ng dalaga.


Masakit pa rin sa kanya ang naging pagbabago at mahirap tanggapin na nawala na ang dating maganda nilang samahan.


Kinabukasan, nagpunta si Selene sa bahay nila ni Raven upang yayain itong mag-review para sa midterm exam nila next week.


Pinindot niya muna ang doorbell ng dalawang beses saka may lumabas na isa sa mga katulong ng matalik na kaibigan. Si Yaya Divina pala.


"Oh, Selene! Tuloy ka." Kaagad siyang pinapasok sa loob at sinamahan patungong salas.


Natigilan sa kanya ang ina ng binata, "Selene, napadalaw ka?"


"Yayain ko po sana si Raven na mag-review kami para sa midterm exam," sagot ng dalaga sa kanyang ninang.


"Magandang ideya 'yan anak since nakikita kong naadik na 'tong si Raven sa mga computer games eh. Di na nag-aaral." Pagsang-ayon sa kanyang ng ginang kaya naman tinawag nito ang kaisa-isang anak na nasa kwarto.


Kumatok muna siya bago siya pinagbuksan, "What is it, Mom?"


"Si Selene nandyan sa baba. Magre-review daw kayo," tugon ng kanyang ina. "Hala, mag-ayos ka at kunin mo na mga gamit mo sa school."


"Sige po, bababa na'ko," walang gana niyang sagot. "Wala akong sinabi sa kanya na pumunta siya dito sa bahay. Ba't ang kulit ng babaing 'yon!"


Napakamot ng ulo si Raven sa kanyang pagkainis. Hindi na 'yon napansin ng ina gawa ng isinarado niya kaagad ang pinto.


Nakababa na ng hagdan ang binata at sinamaan niya ng tingin si Selene. "May sinabi ba ako sa'yong magpunta ka dito?"


"Gusto ko sana mag-review tayo ng sabay gaya ng ginagawa natin dati." Nakangiti pa rin ang dalaga kahit mainit ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.


Napangisi lamang si Raven bilang tugon. Nilapitan niya ang kababata ang sinabihan ito, "Please lang Selene, pwedeng lubayan mo muna ako? Huwag ka na rin na umasa na babalik pa ang dati dahil iba na ngayon."


"Bakit, anong nagawa kong kasalanan?" saad ng dalaga.


"Iwasan na muna natin isa't isa, ok? Itigil mo na ang paghahabol sa'kin dahil wala kang mapapala."


Dahil sa naging pahayag na iyon ni Raven, bigla na lamang bumuhos ang luha ni Selene. Hindi na niya napigilan ang sakit na idinulot sa kanya. Masasabing nagbago na nga talaga kanyang matalik na kaibigan. Umalis ang dalaga habang dala kanyang mga gamit. Napansin iyon ng isa sa mga katulong nila Raven.


Paulit-ulit lamang sa isipan ni Selene ang mga sinabi sa kanya ng binata kaya mas lalo pang bumuhos kanyang mga luha.


"Raven, ano nanaman ba ginawa mo kay Selene ah?" Naiinis na sigaw ng nanay ni Raven na si Georgina. "Nagmamagandang loob lang sa'yo ang tao eh!"


"Naiinis lang ako sa pinagagawa niya, Ma. Mas maigi nang sinabi ko na sa kanya ang totoo kaysa nagpapanggap na ayos lang ako kapag kasama siya kahit di naman," paliwanag ng binata sa kanyang nanay.


Nagawa niya lamang itong pakisamahan ang dalaga dahil sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Ang ina ni Selene at kanyang ina ay matalik ding magkaibigan noon. May sakit pa ang dalaga sa puso na di dapat bigyan ito ng sama ng loob kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay nakisama siya. Nang gumaling na ito paunti-unti, nagagawa na niyang iwasan ang dalaga. Magawa naman kanyang kagustuhan.


"Hindi pa siya gano'n kagaling, Raven. Kaya nakikiusap ako sa'yong pakisamahan mo pa rin si Selene," pakiusap naman ng kanyang nanay. "Kapag may nangyari sa kanya ikaw ang sisihin ko. Tandaan mo 'yan dahil mahalaga rin sa'kin ang batang 'yon. Huwag ka lang magkamali."


Dahil sa usapan nila ng kanyang ina ay itinuloy pa rin ni Raven makipagkasundo kay Selene. Kaya, pilit niyang tinitiis ang kakulitan nito sa kanya.


"Sige, susunduin kita mamayang lunch sa room niyo," sabi na lang ng binata saka tumalikod.


"Sure. Hihintayin lang kita," masayang tugon naman ni Selene sa kanya.


Umabot naman ng isang buwan ang ganoong set up nila. Muling nagbago muli ang isip ni Raven matapos makita niya ang kanyang babaing natitipuhan na si Wendy. Naging magkaklase sila nito sa isang subject. Simple, maganda, tahimik at matalino. Hindi tulad ni Selene na masyadong sopistikado ang dating para sa kanya, maingay at madaldal at sticky.


Labing dalawang minuto nang naghihintay si Selene subalit wala pa ring Raven na dumarating. Nakaramdam na siya ng pagkagutom subalit pinilit pa niyang hintayin ang binata. Lumipas ng isang oras ay hindi talaga siya sinipot nito. Bakaa sa mukha ng dalaga ang lungkot at pagkabigo dahil di siya pinuntahan ng kababata. Dati parati siya nitong sinusundo at sabay-sabay silang kumakain ng lunch at merienda, pumunta sa library para mag-research at sabay din mag-review kapag malapit ng exam. Miss na miss na ni Selene ang moment na 'yon na wala na ngayon.


Mag-isa siyang umuwi ng bahay at kumain na ng tanghalian. Mag-isa lamang siya sa loob niyon dahil parehas naghahanap-buhay kanyang mga magulang. Kadalasan, gabi na itong umuuwi.




Kinabukasan ay muling pinangakuan ni Raven si Selene na susunduin ito sa classroom during lunchtime. T-TH lamang nila ito ginagawa since parehas lang din ang schedule nila. Sa kasawiang palad, di naman siya nito pinuntahan sa kanilang silid. Labis ang panlulumo na nararamdaman ng dalaga.


May isang araw na ginawan niya ito ng cake. Napangiwi naman kanyang mga kaibigan pa na kaklase rin niya na sila Janna, Trish, Jacky at Fatima.


"Huwag masyado magpaka-martyr bes!" paalala sa kanya ni Fatima na pinaka-boyish sa kanilang lima.


"Tama ka, girl. Ang taong tulad ni Raven ay di dapat pinag-aaksayahan pa ng panahon." Pagsanguni naman ni Trish na isa ring party girl at fashionista dahil sa suot nito at mga suot na alahas.


"Look at your self na, dear! Namumutla ka na diyan oh. Please lang huwag mo sanang abusuhin ang sarili mo. Baka mapano ka niyan eh. Masyado kaming natatakot para sa'yo," sambit ni Jacky na isa pinaka-social sa kanilang lima.


"Mahal mo lang siya, Selene pero huwag mo ipagpalit ang kalusugan mo sa walang kwentang tao na 'yon." Napairap si Janna sa sobrang inis na nararamdaman para sa kaibigan.


"Grabe naman kayo sa kanya. Baka busy lang 'yong tao at mas priority niya mga studies niya." Pagdadahilan at pagbubulaglagan na lang ni Selene na kahit totoo naman sinasabi sa kanya ng mga kaibigan. Mahal niya kasi si Raven kaya kahit ano gagawin pa rin niya para sa binata. Hindi niya kasi pwedeng itapon ang kanilang pinagsamahan.


Sa susunod na araw, muli niyang hinintay si Raven sa may hardin ng kanilang school. Hindi ito muli sumipot pero nag-text ito sa kanya na di makakarating.


Naglaan pa naman siya ng time para gumawa ng cake pero di nanaman pala ito nakikipagkita. Napabuntong-hininga na lamang siya at napatayo sa kanyang inuupuan sa ganoong sistema. Eala siyang choice kundi iuwi na lang ang cake na ginawa niya.


Sa paglalakad ni Selene ay nakasalubong niya si Jefferson na kaklase rin nito. Ngumiti ito sa kanya at napatitig sa kanyang dala.


Nag-aalinlangan pa itong magsalita, "Uuwi ka na?"


Tumango si Selene, "Oo, wala kasi 'yong taong hinihintay ko eh."


"Ba't di ka na lang sumabay sa'kin? Pauwi na rin ako eh," alok ng binata sa kanya. "Saka para di ka na mapagod." Napatitig nang sabay ito sa dala-dala ng dalaga.


"Ah hindi na. Sasakay na lang ako ng LRT," tanggi ni Selene.


"Huwag ka na mahiya, Selene. Sumabay ka na sa'kkn, please?" Kumindat pa ito sa kanya dahilan para magbago kanyang isip.


"Sige na nga." Sumabay na nga ang dalaga sa kanyang kaklase na si Jefferson.


Matalino, friendly, caring subalit medyo strikto ang dating ng binata. Tila isa siyang kuya na parating aalalay sa'yo kapag kinakailangan.


"Huwag ka ng bumusangot diyan!" sambit ng binata kay Selene dahilan na mawala ang titig nito sa labas. "Papangit ka sige ka."


"Tsk!" Tinarayan lang siya ng dalaga subalit natawa lamang siya.


"Kung anuman ang problema mo ngayon, huwag mo masyadong dibdibin. Tatanda ka kaagad niyan." Muling paalala nito sa kanya kaya napangiti si Selene.


"Salamat."


Alam ni Jefferson ang problema ni Selene. Umaasa itong magiging maayos sila ni Raven at maibalik ang dati nilang samahan. Di niya maiwasan makaramdam ng awa sa kaklase habang tinititigan niya ito.


Pagkaraan ng ilang araw, muling gumawa ng panibagong cake si Selene para ibigay kay Raven.


"Tsk!" sambit ni Fatima sa kanya.


"Mabuti na lang mabait si Selene. Kung sa akin lang 'yan di ako maghahabol at pag-aaksayahan ng oras ang taong masyadong pabebe. Alam mo 'yon?" saad naman ni Jacky.


"Hindi ka pa ba susukan niyan, beshie? Tignan mo oh parati ka naman di sinisipot ni Raven eh. Kahit anong gawin mo ngayon mukhang malabo na maibalik ang dating samahan niyo." saad naman sa kanya ni Janna.


"Last na 'to, girls. Pupuntahan ko siya sa kanyang classroom para ipadala ito. Sasabihin ko na rin sa kanya na di na'ko papasundo," aniya ni Selene na tila nagising na sa kanyang pagkahumaling kay Raven.


Nagtungo nga siya sa silid ng kanyang kababata. Tinawag niya ito dahilan para makita siya.


"Ano ginagawa mo dito, Selene?" Naiinis na sabi ni Raven sa kanya. "Di ba sinabi ko naman sa'yo?"


Inabot ng dalaga ang ginawa niyang cake para sa binata. "For you..."


Kinuha ng binata ang cake at mabilis niyang tinalikuran ang kababata. Noon pa man paborito na niya ang cake. Basta lang kinuha 'yon nang wala man anumang appreciation galing sa kanya.


"Sige, aalis na'ko." Paalam ng dalaga nang wala man lang natanggap na pasasalamat mula kay Raven.


"Sa susunod huwag ka ng pupunta dito, ok?"


Dahil doon napalingon si Selene sa binata, "Bakit naman?"


"Stay away from me. Naiirita ako sa'yo. Ayaw na kitang makita 'yon lang. Itigil mo na ang pagpupunta sa bahay at pagdadala ng kahit ano." wika ng binata nang may inis sa kanyang mukha. "Lahat nang mayroon sa'tin noon, lahat pagpapanggap lang 'yon dahil pinakiusapan lang ako ni Mama at ni Tita Cynthia. Kinaibigan kita dahil sa kagustuhan lang nila."


Sa naging pahayag iyon ni Raven ay nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Selene. Hindi na talaga niya kinaya ang ganitong sistema ng dating kaibigan. Kaya, napagdesisyon na rin magpakatatag at iwasan na muna si Raven. Baka sa susunod ay maapektuhan pa lalo nito ang kanyang pag-aaral.


Sinundan ni Jefferson si Selene na mag-isa lamang sa library. Nagtaka itong di kasama mga kaibigan ng dalaga.


"Are you OK?" tanong ng binata sa dalaga na abala sa paggawa ng mga assignments nito.


Nagulat naman si Selene nang napansin niya si Jefferson, "Oh, Jeff!" Muli niyang binalik kanyang pokus sa mga libro.


"Ayos ka lang ba talaga? Napansin ko kasi mga nakaraang araw mas naging tahimik ka."


"Ah, na-stress lang siguro kakaaral. Huwag ka mag-alala magiging ok din 'to." Pilit na ngumiti di Selene sa binata kasabay ng pagtiklop ng mga libro pati kanyang kwaderno.


"Ahm, gusto mo bang pumunta ng mall?" Nagbabakasakali lamang si Jefferson kung papayagan siya ng dalaga na samahan ito. Alam niyang kailangan ng kaibigan ng magliwaliw kahit sandali. Katatapos lang din ng kanilang exams. Nabalitaan din niya ang tungkol kina Selene at sa datibg kababata nitong si Raven.


"Manonood din tayo ng sine," dagdag pa niyang saad.


Tumango lamang ang dalaga bilang pagsang-ayon. Siguro, iyon maaaring paraan na kahit papaano ay makalimot siya kanyang nararamdaman para kay Raven. Nagising na talaga siya sa katotohanan na di dapat pa siyang maghabol pa, pagurin ang sarili na maghabol at mahalin ito. Natatakot din siya na baka bumalik ulit 'yong sakin niya at lumalala. Mapapagastos nanaman kanyang mga magulang. Ayaa na niyang maging pabigat pa.


Ala-sais ng nakauwi si Selene sa kanilang bahay at nadatnan niya roon ang kanyang ina. Masama ang tingin nito sa kanya nang makita na ibang lalaki ang naghatid sa kanya ngayon.


"Bakit di mo kasama si Raven, ah Selene? Tapos ngayon nagpasama ka sa ibang lalaki?"


Napasapo ng noo ang dalaga sa bunganga ng kanyang ina na parang armalite sa sunod-sunod na putak.


"Ayaw na po akong sunduin ni Raven, Ma. Sinabihan na niya ako last time na tigilan ko na raw siya?" paliwanag ng dalaga ng walang ka-interest sa kanyang tinig.


"Ano? Kamakailan ayos naman kayo ni Raven ah. Niloloko mo ba ako Selene? Kung ayaw mo na sa anak ng Ninang mo dapat nagsabi ka kaagad sa'kin. Ano na lang sasabihin niya kapag nakita niyang may kasama kang ibang lalaki?"


Sunud-sunod na sermon sa kanya ng kanyang ina.


"Ma, please stop? Pagod na ako para magpaliwanag. Kausapin niyo na lang si Raven para mas malaman niyo ang totoo."


Iniwanan na nga ni Selene kanyang ina na naguguluhab pa rin. Sinara niya ang pinto ng kwarto hinubad ang sapatos at naupo sa kama. Muling tumulo nanaman kanyang luha sa tuwing naalala si Raven. Nakalimutan na sana niya kahit sandali ang lalaking 'yon pero pinaalala nanaman sa kanyang ina.


Sumunod na mga araw, sabay-sabay na sina Jefferson at Selene na kumain ng lunch kasama ang mga iba pang kaibigan nito. Minsan, kapag gusto nila pumunta ng mall para magpalamig. Alam ni Jefferson kung ano kailangan ni Selene kaya naman mas naging comfortable siya dito at mas napalapit. Dating ginagawa nila Raven noon, si Jefferson na mismo ang gumagawa para sa kanya. Kahit ganito, hindi pa rin siya nakakalimot sa dating kababata. Mahal pa niya ito.




Dalawang buwang lumipas nang di tumigil na si Selene pagpapadala kay Raven pero dahil birthday nito ay nag-effort siyang gumawa ng cake para sa kanya.


"Hayan, natapos ka rin!" masayang saad ng dalaga sa sarili. "Ngayon ilalagay na kita sa box para ipadala kay Raven." Nae-excite pa rin si Selene na padalhan ang binata kahit sinaktan na siya nito.


Pagkatapos ng klase, mag-isa siyang nagtungo roon. Hindi siya nagpasama kay Jefferson dahil baka ano pa sabihin ni Raven sa kanya. Bakas sa kanya ang ngiti subalit napalitan ito ng pagkadismaya sa kanyang nakita. Hinalikan ni Raven ang babaing di niya kilala sa labi at sa harapan pa niya mismo. Halos nanghina ang tuhod ni Selene sa gano'ng eksena.


"Ang sakit naman!" naiiyak niyang sambit kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Di na siya nakatagal at tinalikuran na niya ito. Naglakad siya pabalik ng kanilang classroom nang makasalubong niya si Jefferson.


"What happened?" tanong ni Jefferson sa kanya nang makita siyang umiiyak.


"Sayo na lang!" Itinulak sa binata at iniabot ang isang box ng cake na sana ay ibibigay kay Raven.


"Selene!" Nilingon siya saglit ng dalaga subalit sobrang pula na ng kanyang mukha.


"Gusto ko muna mapag-isa, Jeff." Naglakad nang matulin si Selene kaya kaagad nakita ni Jefferson ang dahilan kung bakit lumuha ito.


Isang araw naging di maganda kalagayan ni Selene. Nilagnat siya matapos ang pangyayaring 'yon. Nagsabi siya sa kanyang mga magulang na di siya makakapasok dahil nilalagnat siya. Tatanggi pa sana mga iyon ngunit nangatwiran siya. Nang maayos na kalagayan niya ay kaagad siyang nilapitan ni Jefferson.


"Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya.


Pilit na ngumiti ang dalaga, "Oo naman."


Inalok siya nitong kumain sa cafeteria ng snacks. Wala kasi ang professor nila sa dalawang magkakasunod na subjects.


"Kumain ka nang marami." Sabay lahad sa kanya ng mga nakakatakam na pagkain. "Ang payat mo na kasi eh!"


"Andami naman niyan! Di ko mauubos," giit ni Selene kay Jefferson.


"Kailangan mong kumain nang marami para lumakas ka, ok?" Napangiti naman ang dalaga sa effort na ginagawa sa kanya ng kaibigan. Siya parati ang gumagawa nito noon kay Raven.


"Promise di ko talaga mauubos ito lahat."


Sa kabilang dako naman ay kasalukuyang kasama ni Raven kanyang kasintahan.


"Wendy, pasensya na kung di pa tayo makakapamasyal ngayon. Kokonti na lang kasi natitira sa allowance ko. Di pa kaagad ako mabibigyan ni Papa," malambing na tinig ni Raven sa kanyang girlfriend. "Pwedeng lie low muna tayo?"


"Ano? Akala ko ba ibibigay mo lahat ng gusto ko?" giit sa kanya ni Wendy.


Huminga nang malalim si Raven upang magpaliwanag nang mahinahon sa kasintahan.


"Syempre, ibibigay ko sa'yo 'yon dahil mahal kita Wendy. Kaso, di pa ako mabibigyan ni Papa at sa susunod na buwan pa dahil kabibigay niya lang sa'kin ng allowance this month," mahabang saad ni Raven sa dalaga. "Don't be mad, ok? Makakapag-date pa naman tayo pero sa cafeteria lang muna."


"Ok fine." Inirapan lang ni Wendy si Raven. "Pangako na susunod makakapamasyal ulit tayo?"


"Sure 'yan babe."


Pagdating ni Raven kaagad siyang sinalubong ng kanyang ama sa kanilang salas. Hawak nito kanyang reporting card sa school.


"Ano nangyayari sa'yo, Raven?" bungad nito sa kanya. "Bakit ang bababa na mga grades mo pati allowances mo madali maubos kahit wala pang isang buwan?"


Narinig ito ng kanyang ina na si VIvian, "Tonio, ano problema?"


"Itong anak mo." Inabot ni Mr. Natividad ang reporting card sa kanyang asawa. "Puro pasang-awa kanyang mga grado. Mabilis maubos pati allowance niya. Di ko nga alam kung pinagagawa ng anak nating 'to sa school."


"Raven, anak? Bakit ganito 'to?" Halos mangiyak-ngiyak kanyang ina sa nakita. Hindi siya makapaniwala na magiging gano'n ang grado ni Raven na dati matataas naman.


"Sinabi sa akin ng ama ni Selene matagal na raw kayo di nagkikita at nagkakausap." Dagdag pa ni Tonio.


"Maraming projects lang po ako inaatupag kaya mabilis maubos ang allowance ko saka nahihirapan na din ako makahabol sa mga subjects." Pagdadahilan ni Raven subalit ang totoo nilalaan niya ang oras at pera kadalasan ay kay Wendy.


"Projects? Di makahabol seriously, ikaw?" saad ni Mr. Natividad ng may pagdududa sa kanyang boses.


"Kung di mo magawang magsabi sa'kin ng totoo, di na muna kita bibigyan ng allowance mo for next month," may otoridad na sambit ng ama ni Raven.


"Ano?" gulat at napasigaw ang binata sa desisyon ng kanyang ama na dahilan upang mas mamoblema siya sa susunod na gastusij sa school.


"Honey, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" pahayag ng kanyang ina.


"Oo, para magtanda 'yang anak mo!"


Ilang araw nga mamoblema si Raven sa pera. Nagawa pa nga niyang umutang sa mga kaklase para may panggastos pa siya. Sinabi na rin niya sa kanyang girlfriend na kulang kanyang pera ngayon para igastos sa kanilang date.


"What?" Hindi matanggap ni Wendy ang naging desisyon ni Raven. "Di ba mangangako ka na magagawan mo ng paraan?"


"Sorry, Wendy. Hayaan mo maghahanap ako ng trabaho para maibigay ko mga gusto mo," pakiusap ng binata sa girlfriend subalit kaagad siya nitong binitawan sa braso.


"Tsk, Raven. Akala ko mahal mo ako tapos ngayon babawiin mo lahat ng sinabi mo?" giit sa kanya ni Wendy.


"Mahal naman kita eh kaso napansin ni Papa na mabilis kong naubos ang pera," paliwanag muli ni Raven.


"Ang sabihin mo, mahina ka!" Dahil sa sagot iyon ng dalaga sa kanya ay napaawang ng bibig si Raven.


"What did you say?" Pinaulit pa niya para makasigurado.


"Ang sabi ko mahina ka. Bingi!"


Biglang sumama ang loob ni Raven sa kanyang narinig. Di niya inaasahan na sasabihin sa kanya 'yon ni Wendy.


Sumunod pang mga araw ay kasalukuyang naglalakad sina Selene at Jefferson. Nakita ito ni Raven. Nilapitan niya ang dalawa subalit kanyang kababata ay sadyang umiwas.


"Pwede ka bang makausap Selene?" Pumayag naman ang dalaga.


"Kung may mahalaga kang sasabihin, sabihin mo na ngayon." Isang napakalamig na tinig na nagmumula sa boses ng dalaga.


"I'm sorry sa nagawa ko. Masyado akong bitter para saktan ka ng gan'on. Napakalaking panghihinayang kahit pagkakaibigan nawala sa isang iglap," wika ni Raven kay Selene.


"Ganyan naman talaga ang buhay, Raven. Mas nare-realized natin mga bagay kapag nawala na sa'tin," tugon ng dalaga.


"Kaya nga nagsisisi talaga ako eh. Mapapatawad mo pa ba ako?" Nagsusumamong tanong ni Raven sa dating kababata.


"Oo." Naputol ang sagot ni Selene nang bigla siyang tinawag ni Jefferson. "Pero hanggang doon na lang 'yon. I'm sorry." saka naglakad ng papalayo si Selene sa kinaroroonan ng binata.


Buo ang panghihinayang at pagsisisi ang nararamdaman ni Raven matapos ang pag-uusap nilang 'yon ni Selene.


Mga nagdaan pang buwan ay binigyan sila ng pagkakataon na magkita muli. Lumapit ang binata sa dalaga.


"Selene..." Pakiusap ni Raven sa dating kaibigan. "Selene, mag-usap tayo."


Hinahabol niya pa ang dalaga kahit pilit na siyang iniiwasan.


"Please, ibalik natin ang dati..." dagdag pa ng binata.


Nilingon siya ni Selene, "Raven, wala na! Sinayang mo ang pagkakataon na 'yon. Kahit gustuhin mo man ngayon wala ng mababago. Kahit mahal kita..." Tumulo ang luha ng dalaga dahilan upang maputol kanyang sasabihin. "Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong binalewala lang ako."


Naglalakad ng papalayo si Selene habang patuloy kanyang pagluha. Para sa kanya, mas pipiliin niyang mahalin ang taong nagmamalasakit sa ngayon kaysa sa taong matagal na niyang nakilala pero itinakwil sa huli.






7 Septembre 2023 05:07 0 Rapport Incorporer Suivre l’histoire
0
À suivre… Nouveau chapitre Tous les 30 jours.

A propos de l’auteur

Lady Purple Hello, I'm still the author named "roseandtulips31". Hope, you can visit my other works which have published under that name. Thank you so much. 😊

Commentez quelque chose

Publier!
Il n’y a aucun commentaire pour le moment. Soyez le premier à donner votre avis!
~