0
1.5mille VUES
En cours - Nouveau chapitre Tous les samedis
temps de lecture
AA Partager

PROLOGUE

“Shaina, baba ka na r'yan” tawag nang aking ina.

“Yeah!” tugon ko rito.


Agad akong naglakad palabas ng aking silid, ngunit nakita ko ang pintuan ng silid ng aking kapatid, pumasok ako sakanyang kuwarto at wala ito ro'n.


“Hash, are you there? Kakain na raw tayo.” anyaya ko rito, inaasahang lalabas siya sa cr, pero walang umimik. Nagtaka ako dahil do'n agad kong kinatok ang pintuan ng kanyang banyo pero walang nagsalita kaya binuksan ko ito ngunit walang tao sa loob.


“Baka bumaba na, nakalimutan lang isara pinto.” saad ko sa'king sarili. Naglakad ako pababa agad bumungad sa'kin ang aming sala na walang katao-tao kaya dumeretso ako sa hapag-kainan, bumungad naman sa'kin ang iba't ibang luto ng pagkain.


“Ma, have you seen Hash? Wala siya sa room niya, I expected that he's here.” tanong ko sa'king ina na abala sa paghahalo ng kanyang kape. Agad itong tumingin sa'kin at tinapunan ako ng nagtatakang tingin.


“No, walang hash na bumaba kanina..” tugon nito


“Pero nakabukas pintuan ng kuwarto niya?” nagtatakang tanong ko rito.


Bumuntong hininga si mama “Baka pumunta sa kapit bahay, huwag kang praning Shaina, you know your brother pupunta yan kung sa'n niya gusto...hindi rin naman siya palalabasin ng guard if ever.” pagbibigay linaw nito sa'kin, pero kasalungat sa sagot nito ang nararamdaman ko...hindi nalamang ako kumontra at nagsimulang kumain.



Tanghaling tapat na wala parin yung kapatid ko, at mukhang walang pake si mama, may napapansin din ako kay mama, lagi siyang tahimik, kapag kakausapin malalamig na sagot makukuha at parang wala siyang pake sa mundo niya...pati sa anak niya. Hindi manlang napansin na tanghali na't wala parin ang bunso niya.


Nang hindi ako makatiis, agad akong tumayo at naglakad palabas ngunit napahinto ako nang sumalubong sa'kin ang aking ama. Napalunok ako


“P-Pa...” nauutal kong sagot, takot ako kay papa...palagi siyang nananakit kapag nakainom, at wala sa mood. Pero sa'ming dalawa lang ni mama, paboritong anak niya si Hash kaya hindi n'ya 'to nasasaktan.


“Where's my prince? May pasalubong ako sakanya” sabi nito at dire-diretsong naglakad papasok, ni hindi manlang niya'ko napansin at nilagpasan nalang ng basta basta. Pero kinabahan ako dahil hindi ko mahanap ang tamang salita upang sabihin kay papa na wala pa si Hash, hindi rin ako sigurado kung sa'n 'to pumunta.


“Shaina?! Are you listening?!” asik nito sa'kin na bigla kong ikinagulat.


“D-dad...dad, he's in the neighborhood” tugon ko, agad tumaas ang isang kilay nito...‘lupa pakilunok ako...’ saad ko sa'king isipan.

“In the neighborhood? Tell me the truth.” seryosong sabi nito, kung alam lang niya, kaso magagalit siya sa'kin. Pa'no ko ba ipapaliwanag sakanya? Napa-atras ako nang maglakad si daddy palapit sa'kin, mas nagulat ako nang hawakan nito ang aking mga braso.


“D-dad, nasasaktan po ako...” pilit kong pinipigilan na bumagsak ang aking luha, natatakot ako kay daddy...


“Kiel! Huwag mong saktan ang anak ko!” sigaw ni mommy at agad itong tumakbo palapit sa'kin, hinila niya'ko mula kay daddy...nung una, ayaw akong bitiwan ni daddy pero malakas ang puwersa ni mommy, ang kaso lang ay nasaktan ang aking braso.


“NASAAN SI HASH?!!!” sigaw ni daddy, ibang tao ata ang kaharap naming dalawa ni mommy, hindi ko makilala si daddy, lagi siyang nagagalit kaso...hindi ito yung daddy na laging nagagalit, parang ibang tao, parang handang pumatay...


“H-hash? Isn't he in his room?” 'di makapaniwalang tanong ni mommy, napuno ako ng pagtataka dahil sa nangyayari, ibang mga tao ang kaharap ko, isang handang pumatay at isang hindi maalala at parang walang alam sa nangyayari...


‘What's happening?’ 'yan ang tanong ko pa kanina sa'king sarili, miski ako hindi makapaniwala. Hindi 'to ang inaasahan kong mangyari.


“Hindi mo alam?! Anong silbing ina ka? Hindi mo alam kung nasaan ang anak ko?! Tangina naman Cara! Yung anak natin nawawala—”


“Anak mo lang!!!” putol na sigaw ni mommy kay daddy. Ano raw? Anak niya lang? Anak lang ni daddy? Si Hash? Ha? Ano raw? Hindi ko sila maintindihan.


“Anong pinagsasabi mo, Cara?! Anak ko lang? Tumigil ka!” umiinit ang tensyon sa pagitan nila mommy at daddy, kaya mas pinili ko nalang ang tumakbo papunta sa'king silid...hindi ko makaya lahat ng nalaman ko, hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.


Pagkapasok ko sa'king silid, agad akong dumapa sa'king higaan at nag taklob ng gamit ang kumot, ginamit ko rin ang unan pantakip ng aking tenga...rinig ko parin ang sigawan nila ni mama, ngunit hindi ngalang malinaw ang bawat salitang binibitiwan ng mga ito, nagsimula ring umagos ang luha sa'king pisngi, hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari...gusto kong sisihin si Hash kung bakit nangyayari ito ngayon, kasalanan niya kung bakit ito nangyayari, kung sana'y andito siya walang away na magaganap. Sa kalagitnaan ng aking paghikbi, hindi ko namalayan na unti-unti pala akong nakatulog.


Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagbalibag ng aking pinto. Agad akong naupo at sumandal sa'king higaan, puno ng takot na tumingin sa'king ama. “D-daddy...” utal kong sabi at hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha.


“Ikaw! Ikaw ang dahilan kung ba't nangyari 'to, gusto mo bang sumunod?! Ha?!” galit na sigaw sa'kin ni daddy.


Lumapit ito sa'kin, at pilit akong pinadapa, nakaramdam ako ng hapdi dahil sa pagpalo nito sa'kin ng sinturon.


“Tama na po! Daddy!!! Please, t-tama na!!!” mangiyak ngiyak kong sigaw, nagmamaka-awang tigilan na ang kanyang pagpalo sa'kin. Ilang minuto ang lumipas ay tumigil na ito sa pagpalo, agad ako nitong ibinangon at iniharap sakanya, patuloy parin ang pagtulo ng aking luha, ngunit hindi ko makitaan ng awa si daddy, hawak niya'ko sa leeg mahigpit, ramdam kong ano mang oras ay malalagutan na'ko ng hininga. Naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang hawak sa'king leeg, malalalim na paghinga ang aking pinapakawalan.


“Nasa'n ang anak ko?!” sigaw nito sa'kin, agad akong umiling upang ipahiwatig na hindi ko alam, lumingon ako sa may bintana, gabi na pala. Agad kong ibinalik ang tingin sa'king ama, ramdam ko parin ang galit niya. Gusto kong tumakbo paalis dito.


“D-daddy...p-please, l-let m-me go...” hirap ma'y pinilit kong magsalita.


“Let you go?! Hahahaah, my son's missing and you want me to let you go?! You!” pabato akong binitawan ni daddy, dahilan upang mauntog ako sa may matigas na bagay, agad kong hinawakan ang aking ulo, at nakaramdam ako ng basa. Inakala kong pawis lamang iyon, ngunit nang tignan ko ang aking palad ay may dugo iyon...agad akong tumayo at nang lingunin ako ni daddy, ay agad akong tumakbo palabas ng aking silid, ramdam ko ang paghabol nito sa'kin. Nagulat ako ng hawakan niya'ko sa batok, akala ko katapusan kona ngunit hindi ako nag patalo, agad kong kinagat ang kanyang kamay at sinipa siya sa sensitibong parte ng kanyang katawan. Agad niya'kong binitiwan kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon upang tumakbo, nang makababa ako'y bumungad sa'kin ang katawan ni mommy...duguan.


Natigilan ako dahil do'n, agad akong tumakbo palapit sakanya “Mommy!! Please...wake up!! Mommy!!” umiiyak kong sabi kasabay ng pagyugyog ko salanyang katawan, ngunit hindi ito nagigising...niyakap ko ito at umiyak.


Naramdaman ko ang presensya ng aking ama, kaya agad akong tumayo...hindi gano'n kalayo ang aming distansya, kaya agad akong tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngunit patuloy lamang ako sa pagtakbo,naririnig ko ang pag sigaw ng aking ama, kasabay ng aking pagtakbo ang aking paghikbi. Nang maramdaman kong tuluyan na'kong nakalayo mula sa'king ama, tumigil ako sa'king pagtakbo.


Narito ako sa isang gubat, hindi ko alam kung bakit ko tinahak ang daan papasok sa gubat na ito. Naupo ako sa ilalim ng puno, at doon ko hinayaan ang sunod-sunod na luha ko. Unti-unting inalala ang mga nangyari, kung sana'y panaginip lamang itong lahat, gusto ko nalamang magising at yakapin ng mahigpit ang aking ina...ngunit pakiramdam ko'y ang yakap na gusto kong gawin, ay hindi na kailanman mangyayari, matapos kong makita ang duguan niyang katawan, mga dugong kumalat sa'ming tahanan mga alitan ng aming magulang, mas lumakas ang aking pag-iyak, naramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo. Naalala ko kanina ang dugong nasa palad ko, ang kirot na aking nararamdama'y mas lumalala, nagsimulang lumabo ang paligid ko, hanggang sa napagdesisyonan kong tumayo at dahan-dahang naglakad, kumuha ako ng isang kahoy at doon kumuha ng lakas upang maglakad, bawat hakbang ko'y mas sumasakit ang aking ulo, hindi ko alam kung ilang puno ang aking nalagpasan, hindi pa man ako nakalalagpas sa isa pang puno'y nabalot na ng dilim ang paligid ko, at nawalan na rin ako ng balanse, hanggang sa hayaan ko nang matumba ang aking sarili hanggang sa nawalan ako ng malay.


Itutuloy...

12 Juillet 2022 08:24:06 0 Rapport Incorporer Suivre l’histoire
0
À suivre… Nouveau chapitre Tous les samedis.

A propos de l’auteur

Commentez quelque chose

Publier!
Il n’y a aucun commentaire pour le moment. Soyez le premier à donner votre avis!
~