0
2.5k VIEWS
In progress - New chapter Every Saturday
reading time
AA Share

“kelan pa nawawala yung anak mo mare?”


“naku baka nasa biringan na yun”


Mga halos araw araw ko nalang naririnig sa baryo namin, araw araw nalang kase may nawawalang magagandang babae at laging sinasabi nila ay baka nasa biringan, pero wala pang nakakapagsabi kung saan nga ba ang biringan. Kamusta ako nga pala si Myrrhe Bautista kilala bilang myr sa baryo namen isang natatanging dalaga, lahat ay nagtataka dahil maganda naman daw ako pero bakit hindi pa ako nakukuha, pano naman kase ako makukuha kung kakagat palang ang dilim ay pinapapasok nako ng aking nanay sa bahay dahil mahirap na daw baka ako na yung sunod na mawala.


Isang umaga, galing kami ng aking inang si Amara sa bayan upang bumili ng makakain namin mamayang tanghalian ngunit nagtaka kami dahil ang daming tao sa isang bahay na malapit lamang saamin.


“Mira, nasaan kana anak!” umiiyak na sigaw ng kapitbahay namin.


“Anong nangyari diyan?” tanong ng mga taong nagsisidatingan.


“Wag ka ng umasa, nasa biringan na ang anak mo at lahat ng napupunta at dinadala dun ay hindi na nakakabalik saatin tignan mo ang mga naunang kinuha hanggang ngayon eh hindi parin natatagpuan, kaya kayo, kayong lahat na may anak na dalaga lalo na kung magaganda bago dapat kumagat ang dilim ay dapat nasa loob na sila ng inyong mga bahay!” sabi ng matandang lalaki na isang albularyo sa aming baryo.


Umalis agad kami ni inay dahil andun ang matandang albularyo, sa aking pagtataka ay palagi nalang ako pinapaiwas doon ni inay, at pag tinatanong ko naman si inay kung bakit palagi niyang sinasabi na sumunod nalang daw ako.


Kinagabihan, nakalimutan ko ang kwintas na bigay saakin ng aking itay nung bata pa lamang ako kaya binalikan ko ito sa aming likod bahay, kung saan doon mo daw matatanaw ang sinasabi nilang biringan ngunit hindi pa ito tiyak, habang hinahanap ko kung saan ko nalagay yung kwintas ay may narinig akong sigaw.


“Tulong! Tulongan nyo ko! Parang awa nyo na tulong!” sigaw ng isang babae.


Hinanap ko kung saan nang gagaling ang boses pero hindi ko matanaw kung saan, hanggang sa naramdaman kong papalapit yung sigaw ng babae dahil sa takot ko ay napa atras ako at may humawak sa bibig ko na tila pinipigilan akong sumigaw at hinila niya ko para hindi ako makita ng mga lalaking kumukuha sa isang dalaga, ngunit nakita ko ang isa sa kumukuha sa dalaga at alam kong nakita niya rin ako bago pa ko maitago ng taong naka hawak sa bibig ko.


“Wag kang ingay” sabi ng taong nakahawak sa bibig ko at pamilyar ito sakin, tama si gazer nga ito.


“Nakita niya ko” takot na takot na sambit ko.


“Kamahalan, may nakakita saatin” sabi ng isang lalaki


“Hayaan mo na hindi yan magsasalita, tayo na!” sabi ng kinikilala nilang kamahalan.


“Nakita nila ako” naiiyak na sabi ko


“Wag ka nang maingay, paalis na sila” sabi ni gazer


Nang makaalis ang mga lalaki ay hinatid ako ni gazer sa loob ng bahay at lumabas si inay sa kwarto dahil naalimpungatan siya dahil wala daw ako sa tabi niya.


“Anak, saan ka galing bat takot na takot ka?” pag aalalang tanong ni inay.


“Magandang gabi ho aling amara” pag bati ni gazer


“Oh bat andito ka? Gabi na ah” tanong ulit ni inay


“Ah aling amara pumunta ako dito para isuli toh kay myr” sabay bigay sakin nung librong hiniram niya


“At tamang tama lang pala yung punta ko dito, kung hindi ako pumunta eh nakuha na sana toh si myr” sabi ni gazer


“Anong ibig mong sabihin? Lumabas ka ba myr?!” sigaw na tanong ni inay


“Kase po inay kukunin ko po dapat yung kwintas na bigay ni itay kase naiwan ko sa may likod ng bahay eh” naiiyak kong sagot


“Nakita nila ako inay, pano kong ako na yung isunod nila” takot kong sabi


“Wag Kang mag alala anak hindi ka nila gagalawin” sabi ni inay sabay yakap sakin


“Ahm aling amara una na po ako ah sinuli ko lang talaga yang libro”


“Oh sige mag iingat ka ah baka makuha ka din”


“Si aling amara naman, ano ako babae HAHAHA sige na po salamat”


Sa mundo ng engkanto.


“Nakita tayo ng dalaga mahal na prinsipe”


“Wag kang mag alala, makukuha din natin siya”


“Ngunit mahal na prinsipe parati lang siyang nasa loob ng bahay tuwing sasapit ang dilim pano naman po natin siya makukuha?”


“At sino na naman ang kukunin nyong dalaga upang gawing alipin?” Sabat ng prinsesang si Winona


“Pumayag ang amang haring rattan sa pag dadampot nyo sa mga dalaga dahil ang alam niya ay pag aaralan nyo lamang sila at bibigyan ng magandang buhay, ngunit bakit ginagawa nyo silang alipin!”


“Wag kang mangingialam dito prinsesa Winona”


“At bakit ako hindi mangingialam, darating ang araw pag nahanap muli ang aking kapatid siya ang mamumuno dito sa mundong ito”


“Kapatid na ang bulong bulongan ay isang tao HAHAHA nagpapatawa kaba winona, isang tao ang mamumuno dito sa mundo ng mga engkanto”


“Wag kang hangal caedan, isang engkanto at may dugong bughaw si ama, hindi basta bastang tao lamang ang aking kapatid ngunit isang natatanging engkantao, kaya umayos ka sa pakikitungo sakin caedan isa ka lamang prinsipeng walang kaharian”


At umalis si prinsesa Winona.


“Hindi ka dapat pumapayag na ganyanin ka ng prinsesa mahal na prinsipe”


“Tumahimik ka alipin!” galit na sabi ni caedan


“Kailangan nating hanapin ang nawawalang prinsesang si Adira sa mundo ng mga tao”


“Ngunit pano natin malalaman kung siya na nga ang hinahanap natin mahal na prinsipe?”


“May kwintas ito, na may ukit ng ating mundo ibinigay daw ito ng hari bago ilayo ng dating reyna ang prinsesa at nagsimulang mamuhay ng normal sa mundo ng mga tao”


“Dating reyna? Hindi bat matagal ng namayapa ang dating reyna ng birisca?


“Hangal! Matagal kanang nabubuhay sa mundong ito pero hindi mo alam ang kasaysayan ng kahariang matagal mo ng pinaglilingkuran, ang namayapang reyna ay hindi pinakaunang nakoronahan bilang isang reyna sya ay pangalawang asawa lamang ng hari at bunga ng kanilang pagmamahalan si Winona isang walang alam at sunod sunoran na prinsesa, hay kawawang winona”


“Mamayang gabi lalabas muli tayo ng birisca at mangunguha ng dalaga naway basbasan tayo ng aking namayapang ina upang machempohan natin ang nawawalang prinsesa”


Habang naghahanda ang mga mandirigmang sasama kay caedan, dumating si aloha.


“Mukang lalabas muli kayo ng birisca mahal ko”


“Wag kang magulo aloha”


“Gusto kong sumama, upang matanaw ko naman ang ganda ng ibang mundo”


“Masyadong mapanganib doon mahal na prinsesa”


“Manahimik ka, hindi ikaw ang kinakausap ko”


“Patawad po, mauuna nako kamahalan ihahanda ko na ang hukbo”


Tumango lamang ang prinsipe


“Mag iingat ka mahal ko”


“Sila ang mag ingat sakin, tayo na!”


Umalis na ang mga mandirigmang biriscano at pumuntang muli sa mundo ng mga tao.


“Mag ingat kayo, paparating na sila upang kunin ang mga dalaga” sigaw ng matandang albularyo


Minsan ay weirdo talaga yang matandang albularyo na yan kaya karamihan eh walang naniniwala sakanya at sinasabihan pa nilang baliw daw ito, kaya unti unti kong naiintindihan kung bakit ako pinapalayo ni inay sakanya, ang nakakapagtaka pa kase sa matandang albularyo eh sa tuwing nakikita niya ako parati niyang sinasabi na hindi daw ako tulad nila naiiba daw ako, pero pinagsasawalang bahala ko nalang iyon.


“Hoy myr!”


“Oh ikaw pala gazer, bakit?”


“Wala naman, galing kase ako sa bahay nyo pero wala ka dun kakamustahin lang sana kita”


“Ah maayos na din naman ako”


“Mabuti naman kung ganon, saan ka pala galing?”


“Ahm doon lang sa gubat kumuha ng kahoy para pang gatong namin mamaya ni inay”


“Oh asan na yung mga kahoy?”


“Yun nga eh naiwan” sabay kamot ko sa ulo


“Ang bigat Kase hindi ko kaya”


“Oh tara ako bubuhat nasan ba?”


“Nasa gubat nga ito naman, bungol kba”


Nagtawanan kaming dalawa at pumunta na ng gubat.


Sa kabilang dako naman, naglalakad at naghihintay ng dilim ang hukbo ni caedan upang manguha ulit ng dalaga


“Dito muna tayo magpalipas ng hapon”


“Sige magpahinga muna kayo para may lakas kayo mamayang gabi”


“Masusunod po”


At naupo si caedan sa isang tabi kasama ang pinaka malapit niyang kanang kamay na si killian.


“Oh dahan dahan baka masugatan ka tyaka dalian narin natin kakagat na ang dilim maya maya mahirap na”


“Oo na po, andun sa banda dun ko iniwan yung pang gatong”


Narinig ni caedan na may tao kaya hinanap niya ito at nakita niya si myr at gazer.


“Napaka ganda nya kamahalan”


“Pamilyar ang dalagang iyan, at tama ka kaibigan tunay ngang napaka ganda niya”


“Ngunit alamin mo ang limitasyon mo kamahalan may batas tayo sa ating mundo caedan bawal tayo umibig sa hindi engkanto”


“Handa kong labagin ang ating batas kung ganyang babae naman ang aking magiging kabiyak”


“Isa kang hangal mahal na prinsipe HAHAHAH baka ipatapon ka ng mahal na hari”


“Tumigil ka killian, ang mahal na hari ay minsan ding umibig sa isang mortal patas lamang kami”


“Tama ba ang aking narinig? umibig? umiibig ka na agad sa dalagang yan na ngayon mo palang nakita? Alalahanin mo prinsipe may nakatakda ng mag may-ari sayo at si aloha iyon”


“Tsk tinatawag na prinsesa ngunit walang dugong bughaw nasisiraan na ata ng ulo si ama upang ipakasal ako sa isang hamak na ampon ng hari at reyna ng ating kalabang kaharian, kung nabubuhay lamang si ina nakakalabas masok lamang yang si aloha sa birisca dahil sa kasunduan”


“Wala ka ng magagawa kamahalan”


“Ngunit alamin mo ang kanyang pangalan killian, at sabihin sa hukbo na walang gagalaw sa dalagang iyan naiintindihan mo ba?”


“Opo kamahalan”


Sumapit ang gabi ngunit hindi parin nakakauwi sina myr at gazer.


“Nag-aalala nako kay myr bakit hindi parin siya umuuwi gabi na, baka dalhin siya sa birisca ulit mapanganib ang mundong iyon kaya inilayo ko siya sa ama niya, baka pagbalik niya doon ay gawin lamang siyang alipin o baka pag nalaman nilang anak siya ng hari ay baka patayin pa siya ng mga kaaway” nag aalalang sabi ni aling amara sa sarili.


“Nasaan kana ba myr?”


“Umuwi kana anak”


Habang papauwi na sina myr at gazer ay hinarang sila ng tatlong mandirigmang biriscano na kasama ni caedan.


“Hanggang diyan nalang kayo binata, iwan mo samin ang dalaga at ligtas kang makakauwi sainyo”


“Ano ako hilo? Mapapatay niyo muna ako bago niyo makuha ang dalagang kasama ko”


“Gazer wag ka nang makipag laban, lampa ka tyaka di mo sila kaya”


“Wow aray ah, grabe na naman sakin kalma ka lang diyan myr kung mabilis ka lang kase maglakad edi sana nasa baryo na tayo”


“Edi wow sakalin kita diyan eh”


“Ano binata hindi kaba aalis?”


“Pano kung hindi?”


“Matapang ka binata, mga kasama paslangin siya!”


At nung susugod na sana sila dumating naman si caedan at si killian.


“Wag!” pagpipigil ni caedan


“Bakit mahal na prinsipe, may kasama siyang dalaga at ubod ng ganda dapat lang siyang dalhin saating mundo”


“Tumigil ka kawal, hindi bat pinag bilin ko na walang gagalaw sa dalagang ito!”


“Ngunit hindi namin batid na siya pala yung tinutukoy mo kamahalan”


“Wag kanang magpaliwanag pa, ngayon ibaba niya ang inyong mga sandata”


Ibinaba nilang lahat ang hawak na sandata at lumapit si caedan kay myr.


“Pag patawad mo binibini ang kanilang ginawang kalapastanganan sainyo ng iyong kasama”


“Ah okey lang po yun hehe”


“Ako nga pala si caedan at ikaw si?”


“Myr, myr ang pangalan ko at ito naman si gazer ka—”


“Iyong kasintahan?”


“Hindi no, kaibigan ko lang toh”


“Mabuti, mag iingat kayo”


“Sige bye” nagmamadaling sambit ko


“Tara na, bilis bagal mo naman”


“Oo ito na itong babaeng toh naman oo”


“Inay!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa bahay kasama si gazer


Habang nakaupo ako ay narinig ko ang aking anak na sumisigaw.


“Myr?, Saan kaba nang galing bat ngayon ka lang?”


“Inay pasensya na po galing lang kami sa gubat para manguha ng pang gatong natin kaso naabotan kami ng dilim eh bagal kase ni gazer maglakad”


“Aba ako ba talaga yung mabagal mag lakad?” sabay taas niya ng isa niyang kilay sakin


“Kamusta kayo? Meron bang humarang sainyo?”


“Ay mer—” napatigil ako dahil kinurot ako ni myr sa tagilirian


“Ahm wala ho inay, takot lang nila sakin” pag mamayabang ko


“Sus” pang aasar sakin ni gazer


“Hay nako myr halikana nga, at iwan mo nalang diyan sa kusina gazer yung kinuha niyong pang gatong ha at umuwi kana din”


“Oho aling amara”


Pag tapos ilagay ni gazer yung mga kahoy sa kusina ay nag paalam na ito kina aling amara at kay myr


“Myr una nako, Aling Amara una na din ako salamat ho”


“Sige mag iingat ka iho”


“Mag iingat ka lampa kapa naman”


“Che tumigil ka nga, aling amara mapang asar masyado anak mo oh”


“HAHAHAHA kayo talaga oo, umuwi kana gazer at baka makuha ka, kaganda mo pa naman kung magiging babae ka lang”


“HAHAHAHHAAHAH” tawa ko sa isang tabi


“Si aling amara naman oh, nagmana ata sayo si myr eh”


“Syempre nanay ko yan eh ungas ka talaga”


“Oh sya sige na ho baka hinahanap na din ako ng lola ko mag isa lang yun dun eh sige ho”


“Sige mag iingat sa daan ha”


“Oho”


Sa mundo ng engkanto.


Masayang masayang bumalik si caedan sa birisca dahil sa nakausap at nakita niya ng malapitan si myr at napansin ito ni aloha.


“Tila abot tenga ang mga ngiti mo mahal ko”


“Wag mong sirain ang araw ko aloha”


“Kilala ko ang ngiting yan, may dalaga na naman ba kayong nakuha upang gawing alipin?”


“Wala”


“Ngunit anong dahilan bakit napaka ganda ng iyong ngiti?”


“Anong bang pakialam mo?”


“Nag tatanong lamang ako mahal ko, anong masama doon, masama bang kamustahin ko parati ang kalagayan ng mapapangasawa ko, sandali na lamang ay magaganap na ang ating kasal”


“Hindi mangyayari ang kasal kung hindi dadalo ang ikakasal sayo”


“Anong ibig mong sabihin? Wala ka nang magagawa prinsipe caedan akin kana”


“Kailan man ay hindi ako magiging sayo, hindi ako magpapakasal sa isang tulad mo”


“At bakit? Isa naman akong prinsesa mabibigyan kita ng kayamanan at isang kaharian”


“Wag kang hangal aloha, tinatawag mo ang iyong sarili na isang prinsesa? Kahit wala ka namang dugong bughaw, at kayamanan ba kamo? Hindi mo na kailangan pang bigyan ako nito, dahil meron ako at masasabi kong pagmamay ari ko, bibigyan mo ko ng isang kaharian hindi ko kailangan ng kaharian na galing sa mga kalaban”


“Ano ba't napaka init ng dugo saakin?”


“Alam mo kung bakit aloha, alam mo! Pinatay ng lahi mo ang aking ina, pinatay mismo sa harap ko! Kaya hindi ko batid kung paano nyo napapayag ang aking ama na ipagkasundo ako sayo! Isa kang kalaban, mananatili kang kalaban saaking mga mata!”


At umalis si Caedan at naiwan si aloha sa punong bulwagan.


“Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo lang ako!”


Dumating naman si killian.


“Anong nangyari? Bakit sumisigaw sa galit ang prinsesa ng mga ariscano?”


“Nakakairita talaga yang prinsipe nyo”


“Pag pasensyahan mo na dahil mainit lamang ang ulo nya sa mga lumabag sa utos niya”


“Anong utos?”


“Utos na wag gagalawin ang isang dalaga na taga baryo”


“Sinong dalaga?”


“Hindi ko batid ang kanyang pangalan ngunit siya’y natatangi sa lahat ng mga dalagang nakukuha namin, siya ay mahihilantulad mo sa isang diyamante dahil napaka ganda niyang dilag, mas maganda pa sayo aloha HAHAHA”


“Bastos!,Kaya pala iba ang ngiti ng prinsipe ng makita ko siya kanina”


“Galaw galaw aloha, mukang sa iba balak magpakasal ang iyong minamahal na prinsipe HAHAHAHA”


sabay alis ni killian.


Kinabukasan, nasa likod ng bahay si myr umiinon ito ng kape habang nakatulala dahil iniisip niya yung nangyari kagabi.


“Sino kaya yung lalaking yun, bat parang iba yung itsura niya, mahahaba yung tenga at puro berde yung kulay ng balat niya, pero pogi siya HAHAHAHA hayy nako myr umayos ka diyan”


“Aling Amara!! Tao po!” sigaw ni gazer sa labas ng bahay nina myr”


“Oh? bakit gazer?”


“Si myr ho andiyan ba?”


“Ah andun nasa may likod puntahan mo nalang dun”


“Sige ho salamat”


Habang nagiisip si myr at medyo kinikilig din kay caedan dahil gwapo daw ito, nakapikit si myr habang iniisip niya si caedan kaya..


“Hoyyyy!!” pag gulat sknya ni gazer


“Ayy anak ng tipaklong!!, Ano ba!! Parang tanga naman to sakalin kita eh!”


“HAHAHAHA para ka kaseng ano diyan kamuka mo na yung isang humarang satin kagabi”


“Ah talaga ba nakakatawa yun?” sabay taray ko sknya


“Joke lang ito naman HAHAHAHA, ano ba kase iniisip mo bat may pa pikit pikit kapa ng eyes jan”


“Wala, tyaka bat ka nandito ang aga aga pa”


“Masama ba bumisita”


“Ay gazer halos andito ka saamin wag kang ano diyan”


“Grabe naman, nakikitambay lang eh tyaka anong wala kang iniisip ha?”


“Wala nga eh kulit nito”


“Wala daw, iniisip mo yung lalaking mukang puno na nagpakilala sayo, yung nagligtas satin?”


“Anong mukang puno, ikaw nga mukang ugat eh”


“Hoy babae halos lahat ng babae sa baryo natin gusto ako noh”


“Asus kahit muka kang ugat? Alam mo may mga problema ata mga mata ng babae sa baryo natin noh”


“Sus gusto mo lang yung mukang punong yun eh”


“Excuse me hindi noh”


“Pero iniisip, mas gwapo naman ako dun”


“Yabang mo”


“HAHAHAHAHAHAHA”


Habang nag uusap ang dalawa ay tinawag si myr ng kanyang ina.


“Myr!! Halikana dito kakain na!!”


Narinig naman iyon ni myr.


“Oho inay andiyan na”


“Sabihan mo na din yan si gazer kumain na dito kung hindi pa yan kumakain”


“Opo, tara na”


“Sige”


Pumasok na sila sa bahay at dumeretso sa kusina.


“Anak kumain kana diyan ha at pupunta lang ako sa bayan bibili ng iuulam natin mamayang tanghalian at mamayang gabi na rin ha, gazer kumain kana din saluhan mo na si myr”


“Wag na ho aling amara busog na po ako”


“Ayy hindi kumain ka diyan”


“Sige na nga po, myr bigyan mo ko ng plato”


“Aba kumuha ka” sabi ko habang kumakain na


“Aling amara oh”


“Inay oh inuutusan ako”


“Hay nako kayong mga bata talaga kayo oo, o siya alis nko ha myr yung bahay ha”


“Opo ingat po inay”


“Ingat ho aling amara”


“Sige salamat”


Nakaalis na si aling amara.


“Myr kuhaan mo na kase ako ng plato”


“Ano ka? Prinsipe?” sabay taray ko sakanya


“Ako nalang nga”


“Yiiieee tampo yan HAHAHAHA wag kang gumanyan hindi ako marunong manuyo”


At hindi na nagsalita si gazer.


Lumipas ang oras ay umuwi na si aling Amara.


“Myr! Halika dito nak tulungan mo ko dito”


“Sige ho saglit lang”


“Oh dami naman nito nay”


“Syempre Wala na tayong natatabing mga ulam diyan eh”


“Sige po ipasok ko na toh”


“Si gazer umuwi na ba?


“Hindi pa ho andun sa sala nakaupo”


“Ah ganun ba”


Pumasok na sila sa loob ng bahay, at habang nag aayos si myr ng mga de-lata eh nagtaka naman si aling Amara dahil hindi kumikibo si gazer.


“Oh bat hindi ka diyan nakibo gazer, anong ginawa mo dito myr?”


“Ewan ko ba diyan inay, bigla nalang hindi namansin eh” sabi ko habang nag aayos


“Gazer, anong nangyari?”


“Kahit kelan ang babaw talaga niyan inay, hindi lang binigyan ng plato eh parang hindi lalaki”


“Tumigil ka nga myr nagpapasuyo kase ako sayo ng plato eh”


“HAHAHAHAHAHAHA ewan ko sayo gazer para kang tanga”


“Aling Amara oh”


“Myr” mahinhin na sabi ni inay sakin


“Bahala ka nga diyan, pupunta ako ng gubat wag kang sasama ha”


“Ito naman biro lang, sama nako”


“Wag na”


“Aling Amara oh hindi ako isasama, babalik ka dun para makita yung lalaking mukang puno noh?”


“Lalaking mukang puno?” Tanong ni ina


Nabigla naman si gazer dahil nasabi niya iyon.


“H-ha? H-hindi ko ho alam inay”


“Myr ano yun? Wag kang mag sisinungaling sakin ha”


“Wala nga po iyon, sige po alis na ako”


“Hoyyy myr teka lang sama ako!, Aling Amara alis na po ako salamat po”


Umalis sina myr at iniwan nilang nakatulala si aling Amara dahil sa sinabi ni gazer.


“Lalaking mukang puno? Hindi kaya ama niya yung nakita niya wag naman sana diyos ko wag naman” nag aalalang sabi ni aling Amara


Hinahanap naman ni gazer si myr sa gubat pero hindi niya ito nakita.


Sa kabilang parte naman napunta si myr at….


“Sino ka?!” sabi ng taong nasa likod ko


“Ahm ako si myr mabait ako please wag mo kong saktan” sabi ko habang naka taas ng kamay


“Kalma ka lang HAHAHAH hindi kita sasaktan, ako nga pala si kylen, anong ginagawa mo sa parte ng gubat na toh? mapanganib dito masyado”


“Ah eh ewan ko nga din eh kung bat ako nandito”


“Teka… tumago ka”


“Bakit?” bulong kong sabi


“Myr!!, Asan ka??” tawag sakin ni gazer


“Kilala mo ba yan?”


“Oo, kaibigan ko yan si gazer”


“Hinahanap kana niya, sige na”


“Sige pero saglit taga san kaba? Tulad ka rin ba nung mga nangunguha ng mga babae?”


“Naku hindi HAHAHA taga baryo din ako malapit dun sa bilihan ng karne ni Mang Marsing”


“Ahh ganon ba, eh anong ginagawa mo dito?”


“Hinahanap ko kase yung kapatid kong babae eh, nakuha siya umaasa akong machempohan ko yung mga kumukuha kaya nandito aq sa gubat”


“Ganon ba?”


“Myr?, Sino siya?”


“Gazer? Si Kylen bagong kaibigan ko, kylen si gazer kaibigan ko”


“Kamusta pare”


“Teka, ikaw yung lalaking nawalan ng kapatid diba? Yung kinuha ng mga engkanto sabi ni tata maryo yung albularyo”


“Oo ako nga yun”


“Nakita mo na ba?”


“Hindi pa pare, mukang wala ng balak ibalik yung kapatid ko eh”


“Wag ka ng umasa pre, ipasadiyos nyo nalang yung kapatid mo”


“Ano pa nga ba, sige pre una nako ingat kayo ah ingatan mo kasama mo, baka matipuhan din yan”


“Sige pre”


“Ingat kylen”


ngumiti lang si kylen.


“Tara na myr, gumagabi na naman oh”


“Malamang palubog na yung araw eh”


“Aba nag gaganyan ka na naman ano na naman ginawa ko sayo?”


“Tanungin mo sarili mo, tsk”


“Doon ba sa nasabi ko kay aling Amara myr Wala naman yun hindi yun iisipin ng nanay mo maniwala ka”


“Tsk andaldal mo kase!”


“Suss ikaw nga may katagpuan dito eh”


“Sino?? Yun?? Nagseselos ka dun? HAHAHAHA wag mo ng tangkain hindi ko gusto yun”


“Talaga lang ah”


“Oo nga Tara na”


Umuwi na nga ang dalawa at hindi nila alam ay nakasubaybay si caedan sknila.


“Napakaganda mo talaga aking myr, darating ang panahon ikaw ang aking magiging reyna sa aking itatayong kaharian, bagay na bagay ka sa koronang ipapatong sa iyong ulo”


“Mahal na prinsipe, ayaw mo kay prinsesa Aloha dahil wala siyang dugong bughaw, ngunit ang gusto mo namang mapangasawa ay ordenaryo at hindi pa engkanto, ano naman ang kaibahan nito”


“Ano ang kaibahan? Si myr ay kumikinang sa ganda mala diyamante ang halaga niya saakin, at si aloha isa lamang siyang pilak dahilsiya ay walang kinang”


“Ngunit maganda naman si prinsesa Aloha”


“Buti kapa nakikita mo HAHAHA”


“HAHAHA hangal ka prinsipe”


Nagtawanan lamang ang dalawa



June 18, 2023, 3:17 a.m. 0 Report Embed Follow story
0
To be continued... New chapter Every Saturday.

Meet the author

Comment something

Post!
No comments yet. Be the first to say something!
~